Una sa Balita

Bagyong Florita palabas ng PAR, pag-ulan asahan dahil sa habagat

By
0 3,153

NGAYONG umaga ina­asahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Florita suba­lit asahan pa rin ang kalat na pag-uulan dahil sa patuloy na hahatakin ng bagyo ang hanging habagat.

Kahapon ay bahagya pang lumakas ang bagyo na huling namataan sa Silangan ng Basco Batanes, may taglay ito ng lakas ng hangin na nasa 75kph, bugsong 90kph at kumikilos 8kph patungo sa direksyon Hilagang Kanluran.

Hindi tumama sa lupa ang bagyo ngunit dala ng paghigop sa hanging habagat ay nakaranas ng malakas na pag-uulan sa Cordillera, Ilocos Region at Caga­yan Valley Region.

Sinabi ni Pagasa weather specialist Sa­muel Duran na walang tropical cyclone war­ning sa anumang bahagi ng bansa.

Sa Metro Manila ay magkakaroon ng maulap na panahon at pag-uulan lalo sa hapon. Maaliwalas naman ang magi­ging lagay ng panahon sa Visayas at Mindanao.