Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagyong ‘Enteng’ lumakas habang palabas ng PAR

0 524

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na bahagyang lumakas at bumilis ang galawa ng Tropical Storm ‘Enteng’ habang palabas ito mula sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon.

Sa ulat ng Pagasa kahapon ng umaga, gumagalaw ang bagyo na may international name na ‘Jangmi’ patungo sa timog ng Ryukyu Islands, Japan.

Namataan ito sa 540 kilometro hilagasilangan ng Basco, Batanes at may bilis na 45 km/oras mula sa dating 30 km/oras.Hindi nagkaroon ng landfall ang bagyo kaya walang tropical cyclone wind signals ang tinaas sa bansa.

Samantala, isang low pressure area ang binabantayan ng Pagasa ang nasa 210 kilometro ng kanluran ng Iba, Zambales.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.