Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagyong Dante hahagupit sa Davao, Caraga

0 221

Bahagyang lumakas ang bagyong Dante at inaasahang sa araw ng Lunes ay maghahatid ito ng pag-uulan sa Caraga Region at Davao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) tinatahak ng bagyo ang direksyon patungo sa Hinatuan, Surigao del Sur, taglay nito ang lakas ng hangin na 55kph, bugso na 70kph at kumikilos sa bilis na 25kph.

Bunga nito nagbabala ang ahensya sa mga daraanan ng bagyo na maging handa sa flash flood at landslide.

“Adjacent or nearby areas may also experience flooding in the absence of such rainfall occurrence due to surface runoff or swelling of river channels,” dagdag pa ng Pagasa.

Ang bagyong Dante ang ikaapat na bagyong pumasok sa bansa ngayong taon. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.