Una sa Balita

‘Crising’ humina na

By
0 6

(UPDATE, 9:00 PM) Tuluyan nang humina ang bagyong ‘Crising’ at inaasahang magiging isa na lamang itong low pressure area (LPA) o sama ng panahon sa mga susunod na oras, matapos itong tumama sa kalupaan ng Hernani, Eastern Samar.

Inalis na rin ang cyclone warning signal no. 1 sa sampung lugar sa Visayas region base sa inilaba sna severe weather bulletin #9 ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa Pagasa, anim na lugar na lamang ang nasa ilalim ng mahinang cyclone warning – ito ang Northern Cebu, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, at Leyte.

Maglalabas ng final severe weather bulletin ang weather bureau mamayang alas-5:00 ng umaga.