Una sa Balita

Bagyo pumasok na sa PAR

By ,
0 0

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Dindo’ na may international name na Lion Rock, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa weather bureau, nagpalabas na sila ng severe bulletin number one kaugnay ng bagyong ‘Dindo’ na huling namataan sa layong 1,200 kilometro sa Igbayat Batanes subalit hindi naman ito inaasahang magla-landfall.

Nagtataglay ito ng lakas ng hanging nasa 130 kph malapit sa gitna at pagbugso na 160 kilometers per hour. Kumikilos ang bagyong Dindo sa direksyon ng south southwest sa bilis na 7kph.

Kaugnay nito ay isa pang low pressure area (LPA) ang binabantayan sa silangang bahagi ng bansa.

Ang Metro Manila ay magiging maulap at magkakaroon ng manaka-nakang pag-ulan at maging sa mga natitira pang bahagi ng bansa.