Una sa Balita

Bagyo nasa labas ng ‘Pinas

By
0 3

Lumakas pa at na­ging isang bagyo o tropical depression na ang namuong sama ng panahon na nasa labas ng teritoryo ng Pilipinas.

Kasabay nito ay lalo pang palalakasin ng umiiral na southwest monsoon o habagat ang naturang bagyo.

Ayon sa impormasyon mula sa Japan Meteorological Agency (JMA), huling namataan ang tropical depression sa kanluran ng Luzon, sa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Wala umanong magiging direktang epekto sa bansa ang naturang weather condition.
Asahan din na lala­kas ang tropical depression habang papalayo sa bansa at lumalapit sa China.

Ilang araw na rin na nakakaranas ng mga pag-ulan pagdating ng hapon ang ilang bahagi ng Metro Manila at ma­ging ang ilang karatig-probinsya nito.