Una sa Balita

Bagyo magpapataas ng tubig sa Angat Dam

0 585

MAKATUTULONG ang bagyong Tisoy para tumaas ang level ng tubig sa Angat Dam na magagamit sa darating na summer season, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).

Sa ngayon ay nasa 189 meter ang water level sa Angat, nasa 16 meter ang kailangan para maabot ang normal operating level na 205 meter.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr. nasa papasok pa na bagyo bago matapos ang taon nakasalalay ang seguridad ng water supply hanggang sa pagpasok ng summer sa susunod na taon, umaasa umano ang ahensiya na magkakaroon ng pag-uulan sa Luzon para madagdagan ang antas ng tubig sa dam.

“Itong bagyong Tisoy, kahit may pangamba sa mga epekto nito sa mga kababayan natin, sa punto naman po ng water supply e makakabuti po ito kung saka-sakali,” paliwanag ni David.

Ang Angat Dam ang siyang pangu­nahing nagsu-supply ng tubig sa Metro Manila, una nang sinabi ng NWRB na kung hindi madaragdagan ang tubig sa dam ay asahan na ang kakapusan ng tubig pagsapit ng buwan ng Marso hanggang Mayo, gayunpaman, maganda ang forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa bagyong Tisoy na magdadala ng pag-uulan sa Bulacan at Pampanga kaya positibo ang ahensiya na makatutulong ito para maibsan ang problema sa supply ng tubig.

Ang bagyong Tisoy ang ika-20 bagyo na pumasok sa bansa, sa tala ng Pagasa ay maaring may isa pa na bagyo na pumasok sa bansa ngayong buwan ng Disyembre. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy