Una sa Balita

Bagunas, iba pa pasok sa 20-man pool ng volleyball

0 180

ISINUMITE kahapon ng national coaching staff ng Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI), ang 20-kataong manlalaro na bubuo sa Philippine national men’s volleyball squad na hahataw sa 30th Southeast Asian Games.

Sinabi nina national coaches Dante Alinsunurin, Ariel Dela Cruz at Fritz Michael Santos na mula sa unang du­malo na 96 kalalakihan na nagnais magsilbi sa bansa ay kanilang nalimita na lamang ito sa 56 manlalaro.

“Kanina lang namin naipasa ang kabuuang 20 katao na national pool out of the 56 player­s na pinagpilian,” sabi ni Alinsunurin, na dating national team member at giniyahan ang NU Bulldogs sa tatlong UAAP titles (Seasons 75, 76, and 80) at ang Team Pi­lipinas-NU sa gold medal finish sa 2018 ASEAN University Games.

“Nagpapasalamat kasi sa lahat ng mga sumali sa try-out simula pa sa umpisa. Gayundin doon sa mga huling na-cut para sa national pool, sana ay makasama namin kayo ulit,” sabi ni Alinsunurin na pansamantalang hindi na muna inihayag ang bumubuo sa 20-kataong koponan.

Mula sa 20 kasali ay pipiliin nito ang pinal na 12 na isasabak sa iho-host ng bansa na SEA Games.

Kabilang sa mga suma­li sa tryout ang nakapaglaro sa 2017 Malaysia SEA Games na sina John Vic De Guzman, Mark Alfafara, Bryan Bagunas, Geuel Asia, Greg Dolor at Alnakran Abdilla.

Sumabak din para sa koponan sina Ish Polvorosa, Peter Torres, Kim Mala­bunga, Jayvee Sumagaysay, Joshua Umandal, Ysay Marasigan, Francis Saura at Howard Mojica. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy