Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baguio naghigpit sa minor, di bakunado

0 147

NAGPATUPAD ang Baguio City government ng paghihigpit sa paggalaw ng mga menor de edad na 11 years old pababa maging ang unvaccinated persons na edad 12-17.

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang naturang polisiya ay ipinatupad simula kahapon Enero 19, 2022 hanggang sa katapusan ng buwan, Enero 31, 2022.

Ito ay dahil sa pagtaas ng kaso sa naturang edad.

“Nagbigay ako ng executive order noong isang araw but it will take effect on January 21 na ire-restrict na namin yung movement ng mga 11 years old and below, and unvaccinated 12 to 17,” dagdag nito.

Sa 5,420 COVID-19 cases sa siyudad, 282 ang nasa 11 years pababa at 190 cases ang nasa 12-17 years old, ayon kay Magalong. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.