Una sa Balita

Baguio naghigpit sa mga pekeng makeup

By
0 81

IPINUPURSIGI ngayon ng Baguio City local government unit (LGU) ang panukalang paghihigpit para sa regulasyon ng mga pagbebenta ng mga cosmetic product sa summer capital of the Philippines.

Ayon kay Baguio City councilor Leonardo Yambot, sa pamamagitan ng city ordinance na kanyang isusulong, maiiwasan ang distribution ng mga pekeng cosmetic product sa lungsod.

Sinabi pa ni Yambot na kailangang higpitan ang pagbebenta ng produktong pampaganda dahil sa marami na umanong nagkalat na pekeng produkto na maaaring ikasira sa hitsura at kalusugan sa taong gumamit nito.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa konsehal, kapag naisabatas na ang nasabing panukala, ay kaila­ngang dumaan sa monitoring ng Food and Drug Administration (FDA) ang lahat ng mga cosmetic product na ibebenta sa Baguio na isa mga mga tourist spot sa bansa.