Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baguio coronavirus case sumirit

0 119

Naitakda sa 72 ang bagong nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Baguio City sa nakalipas na pitong araw, higit na mas mataas sa 51 na naitalang kaso noong September 4 hanggang 10.

Nasa 41.3 porsyento umano ang tinaas ng kaso na ito ng COVID-19 sa Summer Capital ng bansa, na nakatakdang muling magbukas ng kanilang turismo, matapos ang ilang buwang pagsasara dahil sa pandemya.

Sa kabuuan, 118 ang tinuturing na active case sa Baguio, habang 358 ang gumaling na at 11 ang nasawi.

Kabilang ang Baguio City sa mga lugar na agresibo ang contract tracing base na rin sa kautusan ni Mayor Benjamin Magalong.

Sa Setyembre 22 ay nakatakdang tumanggap na ng turista ang Baguio mula sa mga residente ng Region I, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.