Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baguio City kinandado sa mga turista

0 44

Bawal na pumasok ang mga turista sa Baguio City bilang pag-iingat sa pagkalat ng Delta variant.

Sa nilabas na Advisory No. 07-2021 ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, sinabi na kaya muling ipagbabawal ang mga non-essential traveler sa kanilang siyudad bilang pagsunod sa Department of Health (DOH) na iwasan ang mga hindi kinakailangang pagbiyahe at mass gathering.

Isa pa sa iniingatan ng Baguio City ay ang mga high risk area kasama na ang Metro Manila, kung saan muling sinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagsirit ng COVID-19 case.

Nanawagan din si Magalong sa mga residente ng Baguio na iwasan ang paglabas-pasok sa kanilang siyudad.(Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.