Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baguio City bumili ng bakuna sa AstraZeneca

0 90

Makakakuha na rin ang Baguio City ng bakuna laban sa COVID-19 matapos na lumagda sa kasunduan ang pamahalaang lokal nito sa British-Swedish multinational pharmaceutical na AstraZeneca.

Inanunsyo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na lumagda sila ng kasunduan sa AstraZeneca upang makabili ng bakuna para sa 190,000 katao 0 70% ng populasyon ng lungsod na target maturukan ng bakuna.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na nilagdaan ang kasunduan noong Enero 10, 2021 sa pagitan nina Magalong, mga kinatawan ng AstraZeneca, Department of Health at National Task Force on Emerging and Re-emerging Diseases.

Sabi ni Malong, para sa 50,000 katao lamang sana ang ibibigay na bakuna ng AstraZeneca subalit hiniling niya sa kompanya na dagdagan pa ito para sa 70% ng populasyon ng Baguio City na target nilang maturukan laban sa COVID-19.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.