Una sa Balita

Baguhang aktres natakot kina Lovi, Rhian

By
Sophie Albert
0 1,940

Bye-bye na raw talaga ang bagong Kapuso actress na si Sophie Albert sa relasyon kay Vin Abrenica. Nu’ng una kasi nabalitang split na sila, madalas pa rin silang makitang magkasama.

Pero nang aming makausap si Sophie sa presscon ng kinabibilangang maharot-serye na The One That Got Away, todo-diin niyang tapos na ang relasyon nila ni Vin.

“Wala na! Wala na talaga!” pahayag ni Sophie.

“Wala na. But we’re friends. Very good friends. We still keep in touch. We still talk but ‘yun nga, I’m just starting again. He’s just starting again.

“So parang it’s better that way,” rason pa niya.

Balik-telebisyon ngayon si Sophie matapos kumalas sa TV5. Limang taon ang kontratang pinirmahan niya sa Kapuso Network.

“I was really scared. Matagal kasi akong napahinga. One year na nothing showbiz related. So coming back, medyo kinakabahan. Kinabahan sa first taping tapos kasama ko pa sina Lovi (Poe), Rhian (Ramos). Ang bibigat pa ng mga kasama ko.”

“It was really scary pero I’m really happy,” saad ni Sophie sa presscon ng bagong programa.