Una sa Balita

Baguhang aktor gustong makaranas ng sexual harassment

By
0 1,735

Malapit sa puso ni Direk Jason Paul Laxamana ang baguhang artista, o ‘yung mga kabataan na nangangarap maging artista, pero hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Kuwento ni Direk, ganun na ganun ang naranasan niya, na madalas ay tanggihan ng mga producer ang mga pelikulang iniaalok niya. Kaya ramdam daw niya ang pinagdadaanan ng mga ‘unknown’ na gustong mag-showbiz.

Sa presscon ng Bakwit Boys (na isa sa mga pelikulang mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino), ipinakilala nga si Vance Larena, na bagama’t matagal na ring umaarte sa teatro, at nakalabas na rin sa isang pelikula, ngayon lang talaga siya nabigyan ng pagkakataon na magbida.

Abante Hiring – IT dep

Isang palabang lalaki na nasa evacuation center sa Pampanga, ang role niya. Sina JC Santos, JM de Guzman ang mga aktor na gusto niyang tularan, dahil ang mga role na ginampanan ng dalawang aktor na ‘yan sa entablado ay minsan na ring ginampanan ni Vance.

Anyway, sa kuwento ni Direk Jason, napili niya ang mga iba pang bida sa Bakwit Boys, dahil na rin sa kanilang mga katangian. Si Vance ay dumaan sa audition, at bagay raw talaga ang role na ‘yon sa binata.

Ang husay sa paggitara ni Ryle Santiago ang naging pasaporte para mapasama siya sa movie. Si Devon Seron ay nakatrabaho ni Direk Jason sa Puwera Usog sa Regal Films, kaya alam niyang mahusay itong aktres.

Si Nikko Natividad ay napanood daw niya sa PBB na kung saan ay pinaarte ito ni Direk Rory Quintos. Si Mackie Empuerto (kasama sa TNT Boys) ay nakita niya sa isang singing contest nung nag-judge raw siya.

Anyway, musical kasi ang Bakwit Boys. At anim na original na kanta ang ginawa para sa pelikulang ito.

“When Direk Jason pitched the concept to me and said he wanted to give a break to the composer, I said, ‘Game!’ I didn’t need to hear the songs. I was already hooked by what he wanted to achieve,” sabi ni Rex Tiri, ang executive producer ng T-Rex Entertainment.

Siyanga pala, going back kay Vance, na naikuwento nga niyang ang dami-dami na niyang pinagdaanan, tinanong nga siya kung wala bang nagsamantala sa kanya, o tipong nakaranas siya ng sexual harassment.

“Wala. Mananawagan nga ako. Hahahahaha!” pabirong sagot niya.

Janine, TNT Boys pambato ng TNT Records

Feeling lutang pa rin ang grand champion ng Tawag Ng Tanghalan na si Janine Berdin hanggang ngayon.

“Hindi pa rin po ako makapaniwala na mararating ko itong ganito. Noon gusto ko lang talagang kumanta. Kahit po walang bayad, basta makakanta lang.

“Pero ngayon, ibang klase na. Magku-concert na kami, tapos may album pa,” sabi ni Janine sa contract signing ng mga bagong talent, singer, artist, ng TNT Records.

Kasama rin niyang pumirma ng kontrata sina Anton Antenorcruz, Arabelle dela Cruz, Reggie Tortugo, Sheena Belarmino, Steven Paysu.

Anyway, mabenta rin ang mga video nila sa TNTV. Ang video ni Janine ng With A Smile ay humamig na ng 1.4 million view, ang Flashlight ng TNT Boys ay may 2.1 million view na.

At sa July 28 naman ay sasabak na sila sa concert, ang TNT All-Star Showdown, sa Araneta Coliseum.

BANTAY MUSIKA: One Up magpapakilig sa Skydome

Handa nang magpakilig ang Kapuso boyband na One Up para sa kanilang ‘All in One Up’ concert na gaganapin sa Skydome sa Agosto 24.

Susuyuin ng One Up members na sina Kevin Sagra, Nikki Co, Brent Valdez, Joemarie Nielsen, Arjan Jimenez, Ralf King, Prince Clemente, Yasser Marta, Jay Arcilla at Dave Bornea ang kanilang mga fans dahil handog nila ang isang concert na magpapakita ng kani-kanilang sari­ling talento bukod sa kanilang galing bilang isang grupo.

Sa produksiyon ng GION Prestige Productions, stage direction ni Marvin Caldito at choreography ni Mark Benzon Pelota, tiyak na magkakaroon ng pasabog na mga performance ang boyband sa kanilang first major concert.

Handog din nila sa kanilang mga fan ang single nilang pinamagatang ‘Smile’, na naghahatid ng mensaheng pasasalamat sa walang sawa nilang pagsuporta sa grupo.

Makakasama rin nila sa concert ang kapwa Kapuso stars na sina Migo Adecer, Karlo Duterte, Sofia Pablo, Will Ashley, at Andrea Torres. Maaari nang makabili ng ticketsmula sa SMTickets.com sa halagang Php 1,600.