Una sa Balita

Bagsik ng COVID-19 maagang naibabala ng psychic healer

0 345

Mga ka-Misteryo, naalala ni Rodel ng Makati ang ­babala ng kilala niyang psychic healer ilang taon na ang ­lumipas na may mabagsik na sakit na kakalat sa buong mundo.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may ­Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Itinago ni Rodel ang ­kilala niyang psychic ­healer sa pangalang ‘brother’ na nakilala niya nang minsan magpagamot siya sa ­iniinda niyang sakit.

Nakailang session din sila ng gamutan nang ­mabanggit ni ­brother ang umano’y ibinulong ng ­kanyang gabay na ­kailangang maghanda ang buong ­mundo sa kakalat na ­bagong sakit.

Ito ang binusising ­mabuti ng #Misteryo kay Rodel.

Misteryo: “Paano ang pagkakasabi ni ‘brother’ tungkol sa banta ng sakit?”

Rodel: “Sa ­pagkakatanda ko sinabi niyang ­libu-libo ang magkakasakit dahil ­bagong sakit ito na hindi agad maagapan dahil wala pang gamot.”

Misteryo: “Nabanggit ba niya na katulad ito ng iba pang naunang sakit tulad ng SARS at MERS-CoV?”

Rodel: “Wala ­siyang binanggit na ganu’n pero malakas ang kutob ni ­brother na nagmula rin ito sa mga naunang sakit. Ngayon ko lang naalala ang kanyang babala.”

Misteryo: “Ano ang ginawa mo nang ­mabanggit niya ‘yun? Hindi ka ba ­natakot? Nasabi mo ba ito sa ibang tao?”

Rodel: “Oo natakot ako kasi delikado lahat ay ­maaaring magkasakit kaya nga ginawa ko ng aktibo ang buhay ko. Kasi sabi ni brother kailangan ­palakasin ang katawan lalo na ­immune system ang ­sisirain ng sakit.”

Misteryo: “Sana pala nailapit niyo sa amin ito para naisiwalat natin? O baka ­katulad din ito ng ­babala ng iba pang psychic na lumapit noon sa Misteryo?”

Rodel: “Baka iisa lang ang tinutukoy na sakit at naipabatid sa lahat ng ­psychic healers sa buong mundo.”

Kadalasan mahirap ­paniwalaan at ­binabalewala ang mga babala ng ­psychic healers o sinumang ­channel/medium tungkol sa kalamidad, karanasan o ­karamdaman na maaaring tumama sa tao, pero ­dapat din natin silang ­pakinggan para makatulong hindi ­lamang sayo, sa pamilya mo at sa buong sangkatauhan.
***
Para sa inyong ­kuwentong ­karanasan mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More