Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagong version ng ‘Justice League’ ipalalabas na sa ‘Pinas

0 262

May magandang balita para sa mga fan ng DC Comics! Ipalalabas sa Pilipinas ang ‘Justice League’ ni Zack Snyder.

Batay sa anunsyo ng HBO Go, magpe-premiere ang Max Original feature film sa bansa sa March 18, kasabay sa Amerika.

Hahatiin ang pagpapalabas sa pelikula sa tig-apat na oras na episode.

Ayon sa official synopsis nito, makikipag-alyansa si Bruce Wayne (Ben Affleck) kay Diana Prince (Gal Gadot).

Magre-recruit sila ng team ng mga metahuman upang protektahan ang mundo at upang tiyakin na hindi masasayang ang sakripisyo ni Superman (Henry Cavill).

Gayunman, hindi magiging madali ang kanilang misyon dahil may kinakailangan pang harapin ang kanilang recruit para mapasama sa team at mabuo ang hindi inaasahang league of heroes.

Sa kanilang pagsasama-sama makakaya kaya nilang masagip ang mundo mula sa mga balak nina Steppenwolf, DeSaad at Darkseid?

Dapat itong abangan dahil mapapanood din sa superhero movie sina Aquaman, Cyborg at Flash. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.