Una sa Balita

Bagong US travel ban, nilabas ni Trump

By
0 3

Nag-isyu ng bagong ‘open-ended’ travel ban nitong Linggo si US President Donald Trump kung saan ikinarga sa listahan ang North Korea, Venezuela at Chad sa listahan ng walong bansa na may mahinang seguridad at walang kooperasyon sa mga awtoridad ng Estados Unidos.

Ang bagong travel ban ang magiging kapalit ng malapit nang mapasong 90-day travel ban na nagsubo kay Trump sa mga usaping legal at politikal simula nang maupo siya sa puwesto noong Enero matapos ituring ng mga kritiko na ang hakbang ay nakatuon sa mga Muslim upang hindi sila makapasok sa US.

Tinanggal ang Sudan, isa sa anim na majority-Muslim countries na kasama sa original travel ban. Ang full ban ay ipinairal sa mga mamamayan ng North Korean at Chad at sa limang bansa na nasa orihinal na listahan: Iran, Libya, Somalia, Syria at Yemen.

Limitadong restriction naman ang ipatutupad sa mga opisyal, kabilang na ang interior at foreign ministries, main police at intelligence service at sa iba pang ahensya ng gobyerno ng Venezuela dahil sa hindi umano sila nakikipagtulungan sa ‘security issues’ ng US.

“We are taking action today to protect the safety and security of the American people by establishing a minimum security baseline for entry into the United States,” ayon sa statement ni Trump.