Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagong taon, bagong pag-asa

0 227

Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo’y magsikap upang makamtan natin ang kasaganahan

Ang mga linyang ito ay mula sa awiting pinamagatang “Ang Pasko ay Sumapit” na bahaging eksenang pang-musika sa Pilipinas tuwing panahon ng kapaskuhan. Bagama’t kilala ang awit at halos lahat ay nakakaalala sa mga titik ng kanta, kailan natin huling pinagmunihan ang mensahe ng mga linyang ito?

Malaki ang kabuluhan ng mga linyang ito sa papasok na taong 2022 sa maraming dahilan. Una, sadyang optimistiko ang mga Pilipino, kung kaya’t tuwing parating ang bagong taon, sinasamantala itoupang magkaroon ng bagong pag-asa.

Kadalasa’y marami ang mga ito kung kaya’t nauuwi ito sa isang listahan na kung tawagin ay mga New Year’s Resolution.

Para sa maraming tao, hindi nawawala sa listahang ito ang mga pangakong inaasahang magpapabuti sa ating mga buhay kagaya napagtitipid, pagkain ng wasto, paghinto sa paninigarilyo at sa alak, at marami pang iba.

Ang ikalawang dahilan ay may mas mabigat nakahalagahan para sa ating lahat. Umaasa ang lahatsa pagdeklara ng pagtatapos ng pandemya sabuong mundo. Ngayon na may bakuna para maiwasan makuha ang sakit at may gamot na rin sinusubukan upang malunasan ang mga nakakuha nito, inaasahang ang pagbabalik sa buhay na kung tawagin natin ay normal, bago tumama ang pandemya.

Subali’t sa larangang ito, marami rin ang umaasanghindi na bumalik sa dati at mapanatili ang mga nagiging kalakaran ngayon. Isang halimbawa dito ay ang sistemang work from home. Bunsod ng naging karanasan, marami-rami na rin ang gustong magpatuloy sa pagtatrabaho mula sa bahay. Para sa kanila, isang magandang pamamaraan ito upang magkaroon ng balanse sa buhay pang-pamilya at pagtatrabaho. Magiging malaking tulong din ang ganitong sistema sa pagbabawas ng mga tao nanangangailangan ng transportasyon o magdadalang sasakyan. Sa ganun, mababawasan ang trapiko at malaki rin ang mababawas na pinsala sa kalikasan.

Ang pangatlong dahilan sa ating pag-aabang sa taong 2022 ay ang ating halalan. Pagkatapos ng anim na taon ng panunungkulan ni Pangulong Duterte, matatapos ito sa gitna ng taon sa Hunyo30. Para sa mga humanga sa kayang administrasyon, ang mga magiging bagong pinuno ay may pagkakataon palawigin kung anumang tagumpay ang nakamit. Para sa mga hindi natuwa naman, malinaw ang dahilan para sa pag-aabang sa bagong taon.

Nguni’t gaya ng sinasabi ng kanta, “baong taon ay magbagong buhay,” nangangailanang din napagbabago sa ating buhay. At sa larangan ng eleksyon, palagay ko nararapat na rin na iwanan nanatin ang mga paniniwala at pamamaraan na hindi nakakadagdag sa maalam na pagpili ng ating mga magiging pinuno. Ang isang halimbawa rito ay ang pagpili ng kandidato base sa itsura. Naalala ko ang dahilan ng isang kinapanayam na ginang na bumoto sa isang

Leave A Reply

Your email address will not be published.