Una sa Balita

Bagong talagang tsip, pinaiimbestigahan

0 85

Hiniling ng mga residente at ilang mga pulis ng San Pascual sa Batangas kay PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa at CALABARZON Police Chief Supt. Valfrie Tabian, na imbestigahan o hindi kaya ay pa­litan na lang, ang bagong talagang hepe ng kanilang bayan na si Insp. Gaylor Flores Pagala, na nasasangkot sa umano’y pagpatong sa illegal quarrying at sand mining.

Galing ng Lobo, Batangas si Pagala, at lumitaw din sa social media na-‘relieve’ ito sa pwesto.

Matatandaan na mismong si Dela Rosa ang nagbabala sa mga pulis na masasangkot sa anomalya o sa krimen, na hindi siya mangingiming ipasibak ang mga ito sa pwesto.

Pinaiimbestigahan din kay Supt. Tabian si Pa­gala dahil may posibilidad na sangkot ito sa droga kaya’t naalis sa Lobo. Naging problema rin sa Lobo ang hindi maresolbang krimen.

“Karaniwan naman naililipat sa pwesto o lugar habang hinihintay ang im­bestigasyon sa kanila sa droga o anumang krimen na posibleng kinasangkutan. O dahil inefficient,” ayon­ kay Ramon Hernandez.

Sinubukang kuhanan ng pahayag si Insp. Pagala sa mga naturang paha­yag pero hindi ito makontak ng media.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy