Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagong ‘Superman,’ silahis na

0 81

Inanunsyo ng DC Comics na magiging bisexual o silahis ang bagong “Superman”.

Sa comic book issue nila sa November, magkakaroon ng relasyon si Jon Kent sa kaibigang lalaki na si Jay Nakamura.

Bahagi ito ng kuwento ng “Superman: Son of Kal-El”, kung saan si Jon ang pumalit sa kanyang amang si Clark Kent bilang bagong Man of Steel.

Itinaon ito ng DC Comics sa National Coming Out Day, na taunang LGBT Awareness Day na nagsimula sa Amerika.

Leave A Reply

Your email address will not be published.