Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagong standard ng bicycle lane

0 194

Kumusta na ang mga bike lane? Yan ang naitanong natin noong isang linggo.

Nakakuwentuhan natin si Ms. Anna Mae Lamentillo, chairperson ng Build, Build, Build Committee, upang humingi ng update sa mga ginagawa ng Dept of Public Works and Highways.

Alam ba ninyo na 35% ng biyahe sa Metro Manila ay kayang lakarin o bisikletahin sa loob ng 15 minuto? Ayon sa Metro Manila Urban Transport Integration Study (2011) mas pinipili ng ating mga kababayan na gumamit ng jeep, tricycle at kotse kahit malapit lang ang pupuntahan.

Dahil daw eto sa kawalan ng polisiya at infrastructure na mangangalaga sa mga siklista at pedestrian. Sa madaling salita, delikado ang maglakad o magbisikleta, lalo na sa mga national highways.

Magbabago na eto dahil sa inilabas na Department Order ni DPWH Secretary Mark Villar; ang DO no. 88 (s.2020) “Prescribing Guidelines On The Design Of Bicycle Facilities Along National Roads”.

Ipinag-uutos ng ahensiya ang pagsasama ng bicycle lane sa mga disenyo ng kalsada at tulay na itatayo mula ngayon.

Nauna nang ideklara ni Sec Villar bilang modelo ng national road na may protektadong bike lane ang 6.94-km Laguna Lake Expressway, mas kilala bilang C6 Road.

Nasundan eto ng mga proyektong nilagyan ng bike lane tulad ng Cagayan de Oro Coastal Road, Davao City Coastal Road, Leyte Tide Embankment Project, Pasig Marikina Flood Control Project, Tagaytay Bypass Road, at Boracay Circumferential Road.

May tatlong klasipikasyon ng bike lanes ayon sa DO 88:

SM SuperKidsDay Banner Ad

1. Class I: Shared Use Path or Bike Path – may island, sidewalk o open space para ihiwalay ang bike lane mula sa daanan ng sasakyan, tulad ng nasa C6.

2. Class II: Separated Bike Lane using Pavement Markings or Physical Separation – nilagyan ng guhit o barrier sa pagitan ng bike lane at daanan ng sasakyan.

3. Class III: Shared Roadway – may guhit para sa bike lane, pero maaaring daanan ng sasakyan kung masikip ang kalsada.

Tiyak na matutuwa ang mga kaibigan natin sa Firefly Brigade, si Mia Kalyetista at ang marami pang nagsusulong ng bisikleta bilang transportasyon.

Sa kaugnay na balita, naglagay ng bicycle parking ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa mga commuters. Ibig sabihin, puede nang magbisikleta mula sa bahay o opisina papuntang PITX.

Malaking katipiran eto sa mga araw-araw na namamasahe. Lalakas din ang ating katawan dahil sa pagbibisikleta.

Tatlumpo’t walo parking space an inilagay sa PITX. Available ang mga eto 24/7 (anumang araw, anumang oras). At higit sa lahat…walang bayad!

Siyempre pa, may mga hakbang ang PITX para naman bantayan ang mga bisikleta. Pero ganun pa man, ang lagi nating sinasabi ay ikandado ang inyong bisikleta. Kung puede ay dalawang kandado. Huwag din mag-iiwan ng mahalagang gamit sa bisikleta, gaya ng bag, helmet atbp.

“We want to do our part in assisting our biker friends to further promote an environmental cause we can all benefit from. We’re all trying to survive these days; let’s help the environment survive, too,” pahayag ni Mr. Jason Salvador ng PITX.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.