Una sa Balita

Bagong species ng tao, nadiskubre sa Cagayan

By
0 364

Isang bagong human species ang natuklasan ng isang international team of archeologists kabilang na ang mga Pinoy researcher sa Callao Cave sa Peñablanca, Cagayan.

Inanunsiyo ng grupo at mga researcher mula sa University of the Philippines ang pagkakadiskubre sa bagong species na tinawag na Homo luzonensis, base sa mga buto at ngipin na natagpuan na may edad 50,000 taon na.

Batay sa isang paper na inilathala nitong Abril 10 sa Journal Nature, natagpuan nila ang mga labi ng tatlong indibidwal na mayroong physical features na kapareho ng mga modernong tao ngunit mayroong kakaibang kombinasyon.

Ito ang nagtulak sa mga researcher na sabihing ang mga ito ay mula sa bagong species. Noong 2007, nakahukay si UP archaeologist Dr. Armand Mijares-isa sa mga lider ng Nature paper- ng isang metatarsal foot bone na may edad 67,000 taon.

Kahit duda siyang ito ay mula sa tao, hindi sapat ang iisang buto para malaman kung anong species ng hominin ito kabilang. Ito ang nagtulak kay Mijarews at iba pang archaeologist na patuloy na maghukay sa Callao Cave upang humanap ng karagdagag pang ebidensya.

Nagtagumpay noong 2011 at 2017 ang kanilang paghuhukay kung saan sila nakakuha ng buto ng kamay at paa, pati na mga ngipin.

Nang ipagkumpara ang mga physical characteristic ng mga narekober na fossils sa mga buto at ngipin ng iba pang hominin species, ditto natuklasan na iba ito mula sa kilala nang human species kabilang na ang Homo sapiens at kalahi nitong species na nakatira sa Indonesia sa kaparehong panahon na Homo floresiensis.

Ang pagkakatuklas ng Homo luzonensis ay nagtulak ng reevaluation sa kasalukuyang mga ideya tungkol sa kung paano nag-evolve at kumalat sa buong mundo ang mga tao, pati na rin kung ano ang naging papel ng Pilipinas sa kasaysayan ng mga tao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy