Una sa Balita

Bagong single ni Ney Dimaculangan kabugin kaya ang ‘Aaminin’ atbp?

0 202

ALAM NA THIS

Sa tugtugan, minsan niya na tayong pinaiyak o pinakilig. Naririnig siya nu’ng dekada ‘20 at ngayon ay nasa panibagong banda na nga. Nakilala sa bandang 6cyclemind si Ney Dimaculangan.

Tumatak sa maraming Pinoy ang kakaibang boses na dala nito sa OPM. Ngayon nga ay ini-launch ang kanyang bagong single na pinamagatang ‘Bahala Ka’ na ginanap sa 70’s Bistro, Quezon City.

Kasama ni Ney sa kanyang bagong crew sina Patch Boogie Sanchez bilang lead guitarist, Arnee France Es­cobedo para naman sa rythm guitars and back-up vocals, Lui Lopez para sa back-up vocals and bass at Andrew Nebab Nianga na tumutugtog naman ng drums.

Matatandaang siya ang nag-compose sa OPM hit song ng 6cyclemind na ‘Aaminin’ at umawit naman ng ‘Upsidedown’ at ‘Prinsesa’.

Nagkaroon na rin siya ng collaboration noon kay Yeng Constantino sa kantang ‘Walang Hanggan’ na ginamit sa teleseryeng ‘Imortal’.

Nanalo rin ang kanta ni Ney na ‘Kaya Mo’ bilang best theme song sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2010.

Makalipas naman ang tatlong taon ay lumahok siya sa Philpop bilang interpreter para sa singer-songwriter na si Johnoy Danao na gumawa ng song-entry na ‘Kung Di Man’ .

Well, hanggang ngayon ay walang kupas talaga ang talento nito sa pagkanta.

Nang tanungin ito kung ano kayang awitin ang maaari niyang ihandog para kina Bea Alonzo, Julia Barretto at Ge­rald Anderson bilang ilan sa pinakakontrobersyal na showbiz personality ngayon, kinanta niya ang ‘Sa Akin Ka Nalang’ dahil imbis na mamrublema, aniya, ang tatlo ay siya nalang ang mamumrublema para sa mga nabanggit na personalidad.

Tinanong din ang bandista kung ano’ng saloobin nito sa mga kapwa bandista na pala-mura kapag nagpe-perform.

“Kung ‘di ka sanay magmura, ‘wag kang magmura, and kanya-kanyang value naman ‘yan. So nagkataon na ‘yung values namin, sakto lang. ‘Di naman kami pa­lamura.” sabi ni Ney. ­

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy