Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagong simula

0 668

Naging #response-able at #responsible ang karamihan sa mga local government units ngayong may pandemya.

Ang mga probinsya, lungsod, munisipyo, at barangay ay bumidasa kanya-kanyang pamamaraan.

Parang tila nagkaroon rin ng Search for the New Idol at Darling of the Masses ang sambayanan.

Naghahanap ng mga bagong modelo at 100% na kahanga-hangasa mga kasalukuyang lider sa lokal na pamahalaan.

Ang iba sa kanila ay ‘di naman kilala ngunit dahil sa mala-superman o wonderwoman na ariba ay naging instant rising star na ‘di sinasadya.

Namumukod-tangi.

‘Yan ang tawag sa kanila na tunay na front-liners naextraordinary at cut above the rest.

Sila ang mga lider na “walang takot sa virus”, aksyon agad, mabilis mag-isip ng solusyon, inuna ang kapakanan ng kanilangmga nasasakupan, bukas ang puso sa pagtulong, at iba pa.

Sa simula ay marami sa kanila ang nahirapan na umarangkadadahil bukod pa sa pag-aaruga sa kanilang lugar napinagsisilbihan ay kailangan din nila na sumunod sa national executive supervision and control.

Ahente ng gobyernong lokal at nasyonal.

“Double-agent” or “in dual role” sabi nga.

Dahil may batas ukol sa pandemya at mga direktiba na galing saPangulo ay paspas ang mga lodi sa LGU na mag-“comply” at “obey” samantalang nagmamaniobra sila sa sariling lugar.

Bukod sa malaganap na state of calamity, ang bread and butter issues tulad ng relief goods, at pinansyal na ayuda ay nagingsentro ng atensyon ng mga residente.

Bukambibig nila ang kanilang mayor at kapitan kung mayroon o wala pang natanggap.

Pati nga sa munting disiplina ng ‘di pagdura sa kalye, anti-discrimination sa front-liners at pagbabawal ang hoarding at profiteering ay sakop ng mga local chief executive.

‘Di ba’t di na kailangan pa ang pandemya bago pa matutunannatin ang good manners at right conduct (GMRC).

Kunsabagay, umabot pa sa pagsasabatas ng GMRC nitongpagpasok ng Hulyo dahil daw sa unti-unting pagkawala ngkagandahang asal at pambansang disiplina ng mga Pilipino.

Ang punto rito ay kung maayos lang ang pagpapatupad ng mgabatas ay ‘di naman kailangan ng mga bagong panuntunan.

Kailangan lang ay maging patas at pantay ang pagtingin ng batassa lahat para maging epektibo ito.

Ang mga lokal na pamahalaan ay binigyan ng local autonomy para maging responsive at accountable.

Desentralisasyon ang instrumento para ang mga serbisyo nggobyerno ay mas mabilis na makarating sa mganangangailangan.

Bagamat may pananagutan sa national government lalo na sapanahon ng public health emergency at may umiiral na national policy (Bayanihan Act) ay may kalayaan na magdesisyon angmga gob, yorme at kap para sa pangkalahatang ikakabuti ngkanilang komunidad.

May discretionary powers at kakayahang maging iba sakaramihan.

May diversity o kanya-kanyang istilo sa pamamalakad.

May sariling pondo at kapangyarihang gumugol ng pera para sapagpapatakbo ng bayan.

May galing na iguhit ang tadhana ng kanilang sakop.

Sino nga ba ang mas nakakaalam ng kapakanan ng kanilanglugar kundi ang mga halal na lokal na pamahalaan?

Napakalayo at napakalaki rin ng hamon na kinaharap ngnational government lalo na sa pagbibigay ng ayuda.

Kaya umasa rin sila sa tikas ng mga local leaders.

Ang iba nga lang sa kanila ay tila makupad pa sa pagong kung kumilos.

Halip na tumulong at magsilbi ng tahimik, ang ilan ay propaganda at pag-epal ang inatupag.

Nasagad din ang pondo ng mga LGU ngayong may coronavirus.

Sumasakit ang ulo ng mga pinunong lokal sa recovery planning at financing.

#Lifegoals nila na maka-survive ang kanilang bayan.

Kasama rito ang mga negosyong nanganganib na malugi at tuluyan na magsara.

Gayundin ang pinakaapektadong mga pamilya na walangtrabaho, kahit isa man lamang sa kanilang miyembro.

At dahil ‘di pa naman napuksa ang virus ay paano ito pipigilin o “flattening the curve”.

Related Posts

‘Realidad’

Duyan

Naiulat pa naman nitong Linggo ang pinakamataas na kaso(2,434) ng mga infected ng CoViD-19 sa bansa.

At kung papaniwalaan ang estimates ng mga eksperto, aabotdaw sa 90,000 ang bilang na ito sa pagtatapos ng Agosto.

Ang population density ang itinuturong dahilan ng mabilis napagkalat ng virus.

Ngunit ang problema yata ay ang overcrowding.

Dikit-dikit kasi ang mga kabahayan lalo na sa mga urban area.

Posible nga ba ang physical distancing?

Kaya may ipinatutupad na decongestion sa mga lungsod.

Balik-probinsya nga ba ang solusyon?

May kaakibat din na suliranin ito kasi ang movement ng tao ay isa rin sa mga sanhi ng pagkakahawa-hawa kaya nga may lockdown.

Paano ang national discipline at ang kawalan nito?

Dapat nang suriin ng mga lider ng bansa ang urban planning at disaster risk reduction.

#Lifegoals din ng mga residente ang sapat na pabahay.

Iniisip naman ng LGU ang build back better principle.

Ginagamit dito ang adaptive planning at isinasantabi angprescriptive goal setting.

Mula sa mga natutunan sa pandemya ay maisalin sa tunay napagbabago.

Pinaghalong bottom up at top down ang dynamic recalibration.

May kasabihan nga, “If you want to know if the shoe fits, askthe person wearing it.”

Panahon na na magka-megaphone ang mga “usually seen but seldom heard”

Ngayon na ipatupad ang place-based approach.

May mga nakahain na solusyon ngunit ano nga ba ang tunay naproblema?

Nanawagan ng malawakang post-disaster needs assessment bagomaipatupad ang anomang rehabilitation at recovery program.

‘Yan ang bilin ng mga pantas na madalas nakakalimutan.

Mahilig rin kasi ang ilan sa stop-gap measures.

Ang iba ay naniniwala sa easy-open can at instant noodles formula.

Ang band-aid solutions ay pag-aaksaya kung gagamitin nagamot sa isang malalim na sugat.

Kaya ang pagpaplano ay kailangang data-driven at evidence-based.

Walang “one size fits all” na solusyon dahil iba’t iba ang epektoat impact ng coronavirus, isang biological hazard na nagingdisaster, sa mga sektor ng lipunan.

Panahon na gamitin ang hazard mapping at comprehensive land use plan.

Pag-aralan na ang state of vulnerability at absorptive capacity ngmga komunidad.

Itapon na ang mga wishlist at maneguro sa isangmakatotohanang plano na magdudulot ng resilience sa mgaemergency lalo na sa pandemic.

#Lifegoals ng lahat ang manirahan sa smart at sustainable cities.

Palaganapin na ang urban farming at vertical agriculture.

Palaguin na ang barangay micro enterprises na panlaban sakrisis.

Paramihin na ang bike lanes at “walkable”, open at green spaces. Kung walang espasyo sa baba ay baka naman pwede ang sky garden.

Panatiliin ang paghuhugas ng kamay.

Payamanin and lipunan na nakasentro sa tiwala sa galing ng taoat ng kapit-bahayan.

Tayo na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.