Una sa Balita

Bagong saltang opisyal nam-bully ng Malacañang staff

By
0 333

HINDI pa man nag-iinit sa upuan ng kanyang opisina ang isang bagong Director sa Malacañang ay lumitaw na agad ang kanyang tunay na ugali matapos i-bully ang isa sa kanyang staff.


Alam n’yo ba mga utaw na para palang batang may tantrums itong matabang opis­yal kapag hindi agad nagagawa ang utos nito?
Nagkataon kasi na may dumating na mga matataas na opisyal sa Malacañang at dahil walang nag-aasikaso ay ang staff nito na ka­kilala ng mga bisita ang umalalay sa mga ito.

 

Habang inaasikaso ng staff ang mga bisi­tang opisyal ay tumawag ang boss nito na hindi agad nasagot kaya pagbalik sa office ni Director ay nagpaliwanag ito.

 

Pero iba na ang tono ng bagong saltang Director dahil pabulyaw na kung sitahin ang kanyang staff kaya pati ang ibang staff sa opisina nito ay ­natahimik na lang.

 

Maging ang ilang opisyal na nakatunog sa ginawa ng Director ay nagulat dahil hindi nila akalaing ganito pala ito, taliwas noong bagong pasok na ­tahimik lang ito.

 

Ang Director na ito ay noon pang 2016 pa sana nakaupo pero ma­kalipas ang ilang araw ay inalis din dahil sa hindi malinaw na dahilan.

Pero tila malakas ang kapit, este dasal dahil ngayong 2018 ay nakabalik sa parehong tanggapan.

 

Ang kanyang pangalan ay katunog ng isang santo, habang ang apel­yido ay katunog naman ng sikat na pamilya ng mga artista.