Una sa Balita

Bagong ruta pa-SoKor

By
0 100

Binuksan ng Philippine Airlines (PAL) ang bagong ruta na mula Clark patungong Incheon (South Korea) simula pa noong bagong taon, Enero 1, 2017.

Ang mga pasahero mula sa Central at Northern Luzon na patungong Incheon ay hindi na dadaan sa Metro Manila at araw-araw ang magiging biyahe gamit ang 199-seater Airbus A321 Jet8.

Noong nakaraang December 16, inumpisahan din ng PAL ang operasyon nito ang rutang Clark International Airport (CIA) sa Pampanga patungo sa Caticlan airport gamit ang Q400 turboprop aircraft.

Ang Clark-Incheon ang pinakaunang PAL international route mula sa Clark na kung saan ang mga biyahero turista na darating sa Clark na mula sa Incheon ay makikita ang magagandang atraksiyon sa Central at Northern Luzon.

“We will operate more flights outside of Manila not just to decongest the NAIA but mainly to offer convenience to passengers who need not travel to Manila for their desired flights,” anang PAL President Jaime J. Bautista.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy