Una sa Balita

BAGONG PAYMENT SYSTEM SA LTFRB APRUB NA!

By
0 1

Sa pamamagitan ng Automatic Teller Machine (ATM) ay maaari nang makapagbayad ang transport franchise holders sa payments ng kanilang multa sa Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB).

Ito ay matapos magkasundo kahapon ang Land Bank of the Philippines (LBP) at LTFRB sa isang cashless payment system at inclusive banking center na layong mapabilis ang transaksyon sa pagbabayad ng penalties at maiwasan ang korapsyon.

Sinabi ni Land Bank president Alex Buenaventura, ang cashless payment system ay paraan upang maiwasan ang mga “fixers” o hindi awtorisadong indibidwal na nasa ahensya ng LTFRB na nangangakong maaa­yos ng mabilis ang dokumento kapalit ng halaga ng pera.

Abante Hiring – IT dep

Sa bagong sistema, ang sinumang magbaba­yad ng kanilang multa sa LTFRB ay mangangaila­ngan ng isang ATM mula sa Land Bank at iproseso sa piling banking center.

Susubukan ng Land Bank at LTFRB ang bagong tatag na payment system sa loob ng tatlong buwan sa mismong tanggapan bago nila ito ipatutupad sa ibang lalawigan.

Ayon pa kay Buenaventura, binabalak din nila ang kaparehong payment system sa ibang sangay ng gobyerno tulad ng Land Transportation Office (LTO), PhilHealth at GSIS.