Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagong panganak na sanggol inabandona sa bag

0 105

Naantig ang maraming netizen sa viral post sa social media kung saan isang bagong silang na sanggol ang basta na lang iniwan sa gilid ng kalsada sa Imus, Cavite.

Nakasilid sa isang bag ang sanggol nang matagpuan ng mga residente.

Ayon sa post ng netizen na si Winnie Lyn de Leon, may isang lalaki na sakay ng bisiklera ang nag-iwan sa sanggol sa Greengate Extension sa Imus.

“May nag iwan po ng baby boy dito sa may Greengate extension…may umbilical cord pa po si baby,” ani De Leon.

Nakita umano sa CCTV ang pag-iwan sa sanggol bandang alas-3:30 ng madaling-araw habang natagpuan ito ng mga tao ng alas-11:00 ng umaga dahil sa pag-iyak nito.

“Nasa CSWD Imus na po si baby,” update ni De Leon. (IS)

https://www.facebook.com/winnielyn.udtohanii/posts/2558569041113400

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.