Una sa Balita

Bagong paliparan, imprastraktura susi upang maging host ang ‘Pinas

By
0 399

PANGARAP ng Pilipinas na makapag-host ng Asian Games at Olympics, subalit dapat ay magkaroon muna ng modern airport upang maging handa sa pagsagawa ng malaking sporting events.

Hinayag ni Rep. ­Michael Romero (1-Pacman Partylist) kahapon na kumpiyansa siyang handa nang mag-host ang Pilipinas ng international sports competition sakaling may sapat na imprastraktura kasama ang modern inter­national airport.

Ayon pa sa longtime sports official at miyembro ng party list organization na nagtataguyod ng sports development,  panahon na para sa administrasyon na pagtuunan ng pansin ang pag-host ng international sports events upang mas umunlad ang ekonomiya ng bansa.

“Many studies show the positive correlation of sports tourism through the hosting of sporting events like the Olympics, and World Cup with the boost in tourism revenues as well as economic activities for the hosting country,” saad ni Romero.

“So if we are even to dream of hosting the Asian Games, which we have not hosted since 1954, or even the Olympics, then we should really take a look at our tourism as well as transport infrastructure like a new international gateway,” ani Romero.

Sinabi rin ni Romero na habang inuumpisahan na ng Pilipinas ang paggawa ng mga mo­dernong sports infrastructure para sa paghahanda sa nalalapit na hosting ng 30th Southeast Asian Games ay dapat umpisahan na rin ang pag-ayos ng airport para sa mas mala­laking sports competition.