Una sa Balita

Bagong negosyo ni Alden dinumog

0 387

abante-talbog-joe-barramedaOverwhelmed si Alden Richards sa kinalabasan ng bagong gusali ng international food chain franchise niya sa Biñan, Laguna. Nakadalo ako sa blessing ng bagong negosyo na ito ni Alden, at hindi raw niya akalain na ganito kalaki ang gusali na nasa more than 1,200 square meters.

Noon daw una siyang tumuntong sa isang outlet na noon ay nasa isang south supermarket ay pinangarap niya na sana magkaroon siya ng sa­riling outlet nito, at nangyari na nga ngayon. Hindi raw masamang mangarap.

Isa sa imbitadong bisita sa blessing ay si Margot na marketing manager ng McDonald’s Philippines. Ipinagmalaki niya si Alden na masuwerteng pinagbigyan ng franchise.

Noong una raw niyang nakilala si Alden ay noong kinuha nila ito bilang host sa ilang mga event nila. Tapos ay naging endorser at ngayon ay isa sa may franchise na.

Kababalik lang ni Alden mula Hong Kong kung saan may movie silang ginagawa ni Kathryn Bernardo at kinailangan muna niyang umuwi ng Pilipinas para sa ilang commitments at isa na rito ang official opening ng kanyang negosyo.

Anyway, dinumog ng mga fan ang resto na ‘yon ni Alden, ha! Mabuti at handa naman ang grupo ni Alden.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy