Una sa Balita

Bagong Miss U crown nagkakahalaga ng $5M

0 369

Isang tulog na lang ay magaganap na ang tagisan ng mga magagandang kababaihan sa buong mundo. Excited na nga si reigning Miss Universe Catriona Gray na ipasa ang korona sa susunod na tatanghaling Miss U ngayong taon.

Ipinakita na nga sa publiko kasama si Catriona at ng 90 gorgeous candidates ang bagong crown by Mouawad na brand sa Atlanta, Georgia.

Ayon sa lumabas na video ng Mouawad, ang “Power of Unity” crown ay inspired by nature, beauty, ­femininity and unity.

Mas lalong nakaka-excite talaga manuod at ipaghiyawan ang mga pambato dahil ang naturang korona ay binubuo ng 18-karat gold, handset na may higit sa 1,770 diamonds na may kasama pang bonggang ­centerpiece shield-cut golden canary diamond na may timbang na 62.83 carats.

Sinasabing nagkakahalaga ang korona ng ­tumataginting na $5 million (Php253,900,000). Makikita rin ang detalye ng korona sa official ­nstagram account ng Miss Universe.

Maski nga ang Miss Universe 2017 Canada ­candidate na si Sierra Berchell ay nahumaling sa ganda ng bagong korona para sa taong ito. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy