Una sa Balita

Bagong mga flight pa-‘Pinas nagpalobo sa mga turista

0 194

Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na maaabot nito ang target na 8.2-milyong dayuhan turista na papasok sa bansa bago matapos ang taong 2019.

Ito ay matapos ang mataas na bilang ng foreign tourist na pumasok sa bansa nitong nakalipas na siyam na buwan.

“Ang ganda ng mga reports na natatanggap namin that’s why we’re confident that we can reach 8.2 million,” pahayag ni DOT Undersecretary Beni­to Bengzon Jr.

“For the first nine months, January to September, we’re already at 6.16 million foreign visitors, which is already a record in itself. The growth rate is about 14.37 percent so the common question is if we will reach 8.2 million. At present, we’re looking­ at the movement of the October and November arrivals,” dagdag pa ni Bengson.

Related Posts

Ayon kay Bengzon ,ang paglago ng turista ay dahil sa mga bagong flights at bagong konstruksiyon ng mga paliparan.

“Marami na tayong flights hindi lang papunta ng Manila pero pati Cebu, Kalibo, Puerto Princesa so in a way nadi-disperse natin ‘yong air passenger traffic. In so doing, siyempre mas maraming nakikinabang with the local communities,” dagdag pa ni Bengson.

Sa pinakahuling data na inilabas ng DOT ay tumanggap ang Pilipinas ng kabuuang 6,161,503 bisita mula Enero hanggang Setyembre 2019 na mataas ng 14.37 % na 5,387,458 sa kaparehas na panahon.

Pinakamarami umano sa pumasok na turista ay mula sa South Korea, sumunod ang China. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy