Una sa Balita

Bagong luklok na parak, tinodas

By
0 4

Isang pulis na katatalaga lamang sa Maguindanao ang patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Patay agad ang biktimang si Chief Insp. Ernesto V. Eco, 39, ng Block 1, Lot 4, Phase 3, Countryhomes, Subdivision, Brgy. Putatan, ng naturang siyudad sanhi ng tinamong mga bala sa katawan.

Sa inisyal na report na tinanggap ng Southern Police District (SPDS), bandang alas-otso ng gabi sa harapan ng PRL Fastfood Restaurant, Southbound National Road, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City, naganap ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang SUV na may plakang AOA-3670.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan ng ilang beses ang biktima bago tuluyang tumakas.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente at sa motibo sa krimen.