Una sa Balita

Bagong LPA ibinabala

By
0 2

Magdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ang isang low pressure area (LPA) na patuloy ngayong binabantayan.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang makararanas ng katamtamang pag-ulan ang Bicol region at mga lalawigan ng Apayao, Cagayan, Ilocos Norte, Batanes at Babuyan islands.

Iiral naman ang maulap na kalangitan na may kasamang mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Sa huling update ng PAGASA, namataan sa 300 kilometro kanlurang bahagi ng Sinait, Ilocos Norte ang LPA na posibleng maging ganap na bagyo sa pag-alis nito sa Luzon dahil sa malakas na hangin.

Habang ang isa pang LPA na papasok sa bansa ay nakita sa dakong 580 kilometro sa silangan ng Legazpi City, Albay.

Nagbabala ang PAG­ASA na mapanganib puma­laot sa northern seaboards ng Luzon dahil sa malakas na ihip ng hangin.

Samantala, ang Visayas at Mindanao naman ay makararanas ng magandang panahon ma­liban na lang sa isolated rain showers sa hapon o gabi.