Una sa Balita

Bagong lipat na opisyal, eleksyon agad ang laman ng utak

By
0 366

Hindi pa man nag-iinit sa bagong puwesto sa gobyerno, nakatutok na agad ang isang opis­yal sa eleksyon sa 2022.

Sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, gusto daw ng huklubang opisyal na maging senador kaya’t susubukan na sumabak sa politika kasabay ng pagtatapos ng temino ni Pangulong Rodrigo Duterte, apat na taon mula ngayon.

Kauupo lang ng opisyal sa bagong puwesto matapos na ku­malas ang wig, eheste magresign ang dating nakaupo nang maghain ng kandidatura sa darating na halalan.

Matagal na raw naglalaway ang nasabing opisyal sa naturang puwesto at muntikan pang mabulilyaso ang kanyang pangarap matapos magdalawang isip ang dating opisyal sa magandang offer sa kanya ng Pangulo.

Kaya nang magdesisyon ang dating opisyal na tuluyan nang magbitiw sa trabaho, aba’y sinunggaban agad ng huklubang opisyal ang puwesto at baka masilat pa siya kapag nagbago ang isip ni Digong.

Ang classic nito, hindi pa man nag-iinit sa upuan, aba’y ang halalan sa 2022 agad ang iniisip kaya’t asahan na ang kaliwa’t kanan na pagpapapogi ng opisyal sa madlang pipol.

Pintahan nyo na. Ang bagong talagang opisyal na nag-aambisyon na maging senador ay dating miyembro ng kasal, binyag at libing na partido. May letrang P sa kanyang pangalan, as in pangarap niyang maging senador.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy