Una sa Balita

Bagong laya todas sa buy-bust sa Laguna

By
0 125

PATAY ang isang dating inmate na kalalaya pa lamang matapos na manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Cabuyao City, Laguna kahapon nang madaling-araw.

Batay sa report ng Cabuyao police, nanlaban ang suspek na si Rodrigo Rio y Fremista matapos matunugan na pulis ang kanyang ka-deal sa buy-bust sa Milwood Subdivision, Brgy. Pulo dakong alas-dos nang madaling-araw.

Bumunot umano ito ng baril ng ito ay aarestuhin subalit naunahan ito ng mga back-up na pulis ng poseur buyer.

Batay sa record, kalalaya pa lamang ng suspek mula sa Sta Rosa City police station kungsaan nakulong naman ito dahil sa kasong robbery.

Narekober dito ang isang caliber 38 revolver at walong sachet ng hinihinalang shabu.