Una sa Balita

Bagong lalaki ni Vice ilalantad ngayong gabi

By
0 2,512

Naku, Dondon (my dear editor), people are asking me kung si Richard Gutierrez daw ba ang nakatakdang i-announce ni Vice Ganda na gaganap na ‘The Prince’ mamayang gabi sa story conference ng Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya, ang Metro Manila Film Festival 2018 official entry ng Star Cinema/Viva Films.

May mga nagsasabi kasing si ­Richard ang talagang makakasama ni Vice sa nasabing MMFF 2018 movie, huh!

Pero, let’s wait and see na lang dahil ilang oras na lang naman ay magaganap na ang story conference ng pelikulang ‘yon!

Abante Hiring – IT dep

Basta ang sinasabi palagi ni Vice, excited siya sa makakasamang aktor sa Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya.

First time kasing makakasama ni Vice ang aktor na ‘yon, kaya marami raw talagang bagong mangyayari sa MMFF 2018 movie entry niya.

Ang tsika nga palang narinig ko tungkol sa MMFF 2018 entry na ‘yon ni Vice ay magsu-shooting na raw kaagad sila ngayong July.

Inayos lang daw mabuti ang lahat-lahat tungkol sa pelikula para ma­ging smooth ang shoo­ting nila.

So, abangan na lang mamayang gabi ang announcement kung sino nga ba talaga ang ‘The Prince’ sa Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya.

Bale 6:00 P.M. daw ang story conference kaya malamang na maihahabol pa sa TV Patrol ang announcement na ‘yon.