Bagong housing department “disaster”- solon

By

Ibinabala ni Buhay Rep. Lito Atienza na “disaster” diumano ang idudulot sa pagkakaroon ng bagong Department of Housing and Urban Development (DHUD).

“The proposed DHUD is absolutely redundant. It will not serve any real purpose. On the contrary, it will only install another bureaucratic wall that is guaranteed to further hold up housing projects,” pahayag ni Senior Deputy Minority Leader Atienza.
Kakawing ng itatatag na bagong tanggapan ay magkakaroon din aniya ng mga bagong opisyal na pihadong manghihimasok at makikialam sa mga proyekto.

“We will have several new DHUD undersecretaries and assistant secretaries meddling in every program or project, and creating bottlenecks,” babala ng mambabatas.

Binigyang-diin ng kongresista na dati ring naging general manager ng National Housing Authority (NHA) na dapat i-decentralize ng national government ang mga programang pabahay sa tulong ng provincial, city at municipal governments.

Ipinunto nito na ang isyu na nakakaapekto sa public housing programs ay masosolusyunan sa pamamagitan ng pagtatalaga ng “highly effective chief executive officers” sa mga umiiral ng ahensya at pagkakaroon ng sapat na pondo.

Nauna nang inihayag ni Sen. Joseph Victor Ejercito, chairman ng Senate committee on urban planning and housing na asahan na ang pag-apruba ng Senado sa panukala na pumupuntiryang bumuo sa DHUD.

SHARE