Una sa Balita

Bagong hari ng Ginebra!

By
0 1,409

Nasa humigit-kumulang 3 dekada na ang Ginebra San Miguel bilang most popular ball club sa may 43 taon nang Philippine Basketball Association (PBA).

Matagal na naging haligi siyempre ng Gin Kings si dating playing coach Robert ‘The Living Legend’ Jaworski, Sr. noong 1984-1998.

Nagmarka sa ilalim niya bilang mga starter sina Joaquin ‘Chito’ Loyzaga, Marlou ‘The Skycraper’ Aquino, Manuel Luis o Noli ‘The Tank’ Locsin, Bal ‘The Flash’ David, Jr., Dante ‘The Bicol Express’ Gonzalgo, Rodolfo o Rudy ‘The Destroyer’ Distrito at iba pa.

Nakilala rin sa crowd favorite squad bilang mga astig pagkaalis ni Jawo sina Eric ‘The Major Pain’ Menk, Mark ‘The Spark’ Caguioa, Jayjay ‘Helter Skelter’ Helterbrand, Gregory ‘Greg’ Slaughter, Japeth Aguilar at iba pa.

Pero ngayon bilang top rebounder, 1 sa laging nasasandalan na ng Ginebra sa nakalipas na 2 season, disiplinado, napakabait at nangungunang boy-next-door o habulin ng kababaihan, si Earl Scottie Carreon Thompson ang masasabing ‘Bagong Hari’ sa GSM.

“Unang-una I’m very honored and flattered na sumikat ako sa Ginebra,” pahayag noong Lunes, Oktubre 30 ng hapon ng 25-anyos (sinilang noong Hulyo 12, 1993), tubong Padada, Davao Oriental, at may taas na 6-foot-1 na shooting guard/point guard sa ABANTE Sportalakan sa Makati City office.

6-foot-1 guard, rebounding king

Sa kasaysayan ng pro league, tanging si Big J (Jaworski)­ ang nasa Magic 10 career rebounding leaders na dominado ng 6 na center at 3 forward.

Sa Ginebra sa kasalukuyang season-ending PBA Governors Cup, marami ang mas matataas kay Thompson – sina 7-0 Slaughter, 6-9 Aguilar, mga 6-7 na sina Justin Brownlee, Prince Caperal at Joe Devance, at ilan pa.

Pero 10 rebs. per game kinakalawit niya kada gabi na labis na nagpapamangha sa marami. At hindi malayong mahanay siya sa mga susunod na taon sa kalibre ng mga matitinik sa pagkuha ng bola sa ere.

“Timing, alisto. Sinisipagan ko lang. Yun ang 1 sa best way ko na makakatulong talaga sa team namin. Maski sa practice ginagawa ko na rin,” esplika ng nagbaba-volleyball at nagbi-BMX (cycling) na si Thompson.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy