Una sa Balita

Bagong Gilas Pilipinas, 10 araw ipoporma ni Guiao

By
0 2,011

UUMPISAHAN ni coach Yeng Guiao na buuin ang Gilas Pilipinas team ngayong Lunes.

May 10 araw si Guiao para makumpleto ang 12-man lineup na dadayo sa Iran para sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makalipas ang apat na araw ay iho-host naman ng Gilas ang Qatar sa closed-door game sa Smart Araneta Coliseum.

Mula sa 12 teams ng PBA ang pool ni Guiao ngayon, binigyan siya ng layang pumili ng players­ niya. Nag-break pa ang Governors Cup mula Sept. 6-18 para bigyang daan ang FIBA stint.

Nang nombrahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para huma­lili sa suspendidong si coach Chot Reyes, binanggit agad ni Guiao ang mga pangalan nina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Ian Sangalang, Greg Slaughter at Scottie Thompson na gusto niyang imbitahan para sa tryout.

“Baka pupunta ako dun sa Monday sa call-up practice,” ani Thompson.

Mula pumasok nang PBA bilang 5th pick overall ng Ginebra, si Tim Cone pa lang ang naging coach ni Thompson sa pros. Masusubukan niya si Guiao kung sakali.

“Yun ang pinakaimportante, iba-iba ang coach. First time ko mag-iiba ng coach,” dagdag ng high-flying guard.

Ikokonsidera sa FIBA-bound squad ang lahat ng miyembro ng Team Pilipinas na nag-fifth sa 2018 Asian Games, maliban kay Fil-Am Jordan Clarkson na sasabak na sa training camp ng Cleveland Cavaliers.

Anim sa Asiad team ni Guiao ang mula Rain or Shine – sina Gabe Norwood na miyembro din ng Gilas, James Yap, Chris Tiu, Beau Belga, Raymond Almazan at Maverick Ahanmisi. Ang iba pa ay sian Poy Erram, Stanley Pringle, Paul Lee, Asi Taulava at Christian Standhardinger.