Una sa Balita

Bagong Finland PM pinakabata sa buong mundo

0 381

ISANG 34-anyos na babae ang napiling prime minister sa Finland.

Si Minister of Transport and Communications Sanna Marin ngayon ang itinuturing na pinakabatang naging prime minister sa buong mundo, ayon sa Aljazeera report.

Papalitan niya si Antii Rinne na nagbitiw sa puwesto noong nakaraang linggo makalipas lang ang may anim na buwan ng panunungkulan matapos mawalan ng tiwala sa kanyang kakayahan ang mga coalition member ng Centre Party dahil sa hindi maayos na pag-handle niya sa isang postal strike.

Gaya ni Rinne, miyembro rin si Marin ng Social Democratic Party, ang pinakamalaking five-member ruling coalition sa Finland. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy