Una sa Balita

Bagong Eastern Mindanao commander sasabak sa trabaho bukas

By
0 456

UUPO na sa Lunes, Enero 21, ang bagong talagang Commander ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) matapos ihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagreretiro ng dating commander nito.

Naitalaga si Major General Felimon Santos Jr., bilang Commander ng Eastmincom bilang kapalit ni Major General Ronald Villanueva.

Sa Pancan, Davao City magaganap ang change of command ceremony sa Naval Station, Felix Apolinario kung saan mag-oopisina si Santos na dating commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army.

Miyembro si Santos ng Class 1986 ng Philippine Military Academy (PMA) at nagsimula ng serbisyo bilang sundalo sa 39th Infantry Battalion at mula noon ay na-assign na sa iba’t ibang sulok ng Mindanao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy