Una sa Balita

Bagong ‘dyowa’ ni Pia nagra-rugby

0 21,571

Isang buwan pagkatapos i-confirm ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang paghihiwalay nila ng boyfriend na si Marlon Stockinger, heto at nali-link na siya agad sa social media hunk na si Jeremy Jauncey.

Si Jauncey ay 34-year old CEO and founder ng Beautiful Destinations na nagsimula sa Instagram at ngayon ay isang thriving creative agency na may 12.4 million followers sa IG at 216,012 subscribers sa YouTube.

Pinanganak sa Scotland si Jeremy at isang rugby player sa New Zealand. Siya rin ang Editor-At-Large ng Asia Tatler. Kasalukuyang celebrity model si Jauncey ng Bench.

Namataan si Pia na kasama diumano si Jauncey sa isang luxury private island resort in Bawah Reserve, Indonesia.

Hinala ng ibang netizens ay nagko-collaborate sina Pia at Jauncey sa isang travel documentary show. Ang titulo nito ay Pia’s Postcards at ipapalabas ito sa Metro Channel.

Kung matatandaan ay hindi nakadalo si Pia sa 2019 Miss Universe pageant in Atlanta, Georgia dahil naging priority nito ang pag-shoot ng kanyang travel show sa Japan. Baka may kinalaman rin dito si Jauncey at ang kanyang Beautiful Destinations. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More