Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagong DND Chief sapol ng coronavirus

0 92

Hindi pa man nakakaupo ay naunsiyami ang pagpasok ni Department of National Defense officer-in-charge (OIC), senior Undersecretary Jose Faustino Jr. sa ahensiya nang magpositibo sa COVID-19.

Ginawa kahapon ang anunsiyo ni DND spokesperson Arsenio Andolong.

“He is fully vaccinated and boostered, and is asymptomatic. He will temporarily perform his duties while in isolation,” sinabi nito.

Sa pahayag sinabi ni Andolong na may nakasalamuha si Faustino na isang Covid-19 positive sa dati nitong mga engagement at consultations bago umupo bilang DND OIC.

Si Faustino ay retiradong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Bagong naging AFP Chief of Staff, nagsilbi siyang pinuno ng Joint Task Force Mindanao at na­ging acting commanding general ng Philippine Army. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.