Una sa Balita

Bagong Cousins makikita sa Lakers

0 278

By VE

IBANG klaseng DeMarcus Cou­sins ang makikita sa Los Angeles Lakers sa susunod na 74th National Basketball Association 2019-20.

Isang re-invented Cousins, iba sa naglaro sa Golden State Warriors sa second half ng nagdaang season.

Isang taon lang ang kontratang binigay kay Cousins, nagkakahalaga ng $3.5 million. Pero inaasahan na siyang magiging importanteng piyesang pangsuporta kina LeBron James at Anthony Davis.

Inabot ng Achilles injury si Cousins noong January 2018 habang teammates pa sila ni Davis sa New Orleans. Sa sumunod na season, lumipat siya ng Golden State pero February na nakalaro at inabot pa ng quadriceps injury sa playoffs kaya bihira ring nagamit.

Naglalagi sa gym si Cousins para magpakondisyon, umaa­sang babalik na ang dati niyang laro kapag nagsimula ang susunod na season sa October.

Cousins at Davis sa frontline, may James sa backcourt, at mukhang hindi na maaawat ang Lakers.

Tatlong rim protectors na siguradong magpapabuka sa depensa ng kalaban. May tira sa labas sina Davis at Cousins, kilala naman si LeBron sa drives at kicks.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy