Una sa Balita

Bagong costume iniisip na ni Wilder

0 318

WALANG kadala-dala.

Iyan si American fighter Deontay Wilder.

Bakit?

Pagkatapos kasing ibunton ang sisi sa mabigat na costume kaya natalo kay British boxer Tyson Fury, kinausap pa uli ni Wilder ang designer nito at pinagpaplanuhan na kung ano ang susunod niyang outfit.

Magugunitang kamakailan lang ay ang walang kamalay-malay na costume ang sinisi ni Wilder kaya olats ito sa world heavyweight championship bout nila ni Fury.

“I knew I didn’t have the legs because of my uniform. I didn’t think it was going to be that heavy. It weighed 40, 40-some pounds with the helmet and all the batteries,” litanya nito pagkatapos matalo.

Pero sa kabila ng nangyari, heto at bumabalik sa Cosmo’s Glamsquad ang American fighter.

Sinasabing kinontrata niya uli ang designer niyang sina Cosmo Lombino at Donato Crowley at pinag-iisipan na ang susunod niyang pasabog na costume.

“Deontay Wilder called me at home last night,” pag-amin ni Crowley base sa lumabas na report. Ang Cosmo’s Glamsquad ang nasa likod ng outfit ni Wilder. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More