Una sa Balita

Bagong BuCor chief dapat tirador — Bong Go

0 276

ISANG killer o mamatay tao umano ang dapat na susunod na mamumuno sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang irerekomenda ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na ngayo’y naghahanap na ng kapalit sa sinibak na dating BuCor chief na si Nicanor Faeldon.

“Basta ako nire-recommend ko kay Pangulo dapat mamuno dyan sa BuCor killer. Basta kil­ler!” pahayag ni Go sa panayam ng mga reporter kahapon.

Ayon kay Go, naghahanap na umano si Duterte ng dating militar o dating pulis na papalit kay Faeldon sa BuCor subalit mas na mainam aniya kung isang killer ang ilalagay sa naturang posisyon.

“Exasperated na po ang pangulo dito sa BuCor na ito. Naghahanap na po siya ng mamumuno ng BuCor. Maaring naghahanap siya ng dating militar, dating pulis at retiree. Ako naman po nire-recommend ko… killer,” seryosong pahayag ni Go.

Tumanggi naman ang senador na magbigay ng pangalan ng taong kanyang irerekomenda bilang susunod ng BuCor chief.

Inihayag din ni Go, isang testigo na isang opisyal ng gobyerno ang ihaharap niya ngayong araw sa ikalimang pagdinig ng Senate committee on justice and human rights kaugnay ng anomalya sa “hospital pass for sale.”

“Mayroon akong isang witness malaking witness po ito. Medyo malaking tao po ito isang opisyal handang magsalita ng kanyang mga nalalaman,” ayon kay Go. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy