Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagong boylet ni KC kahawig ni Piolo

0 1,253

Nakipag-kitchen collab si KC Concepcion kay Chef Jordan Andino, Filipino/American na kilalang chef ng Flip-N-Out Burger sa New York. Base rin sa pagpapakilala ni KC rito, ipinagluluto rin daw ang mga Kardashians.

Nasa New York si Chef Jordan habang kasalukuyan namang nagbabakasyon si KC sa The Farm at San Benito sa Batangas.

Hindi ang kitchen collab ng dalawa ang napansin ng nakapanood ng IG Live ni KC, kundi ang malaking pagkakahawig ni Chef Jordan kina Sam Milby at Piolo Pascual.

At kung paano, casual lang itong sinabi ni KC. Sinabi niyang kahawig nga raw ni Jordan sina Sam at Piolo, na alam ng lahat na ex ni KC.

Ending, ang daming nanunukso sa dalawa na bagay raw at puwedeng sila na lang, tutal hawig naman ni Jordan si Piolo, huh!

Kaya expected na agad na sa mga susunod na araw ay may mga maglalabasan na agad na item na ang bagong boylet ni KC kahawig ni Piolo.

Tatay ni Angelika pumanaw na

Ilang linggo simula nang humiling ng dasal ang actress at Kapitana ng Longos, Malabon na si Angelika dela Cruz para sa kanyang ama, heto’t isang malungkot na balita ang pinost ni Angelika kahapon, July 4.

Pumanaw na ang ama ni Angelika na si Daddy Ernie dela Cruz.

Matagal-tagal din itong lumaban sa sakit. Few years ago, alam namin na nagkaroon ito ng cancer, pero naka-recover rin. Huling kita namin kay Daddy Ernie last year ay ang lakas pa.

Sa caption ni Angelika, tila natanggap na rin nito na wala na ang ama at natapos na rin ang sakit na nararamdaman. At alam daw niyang magkikita na ito at ang kapatid na si Edward.

Napakalaking bahagi ni Daddy Ernie sa buhay ni Angelika. Mula sa career niya at sa pagiging Kapitana niya ay masasabing katuwang niya ito.

Siguradong magiging malaking adjustment din sa actress ngayong wala na ang very loving at supportive father niya.

Paglipat ni Alonzo sa TV5 fake news

Mabilis na itinanggi ni Bea Alonzo na dahil sa kinakaharap na problema ng ABS-CBN, silang mga itinuturing na prime talents ng network ay pinapayagan na raw na lumipat sa TV5.

At ang kontratang pinirmahan nila ay pinapawalang-bisa na rin.

Ayon kay Bea, “fake news” daw ang balitang yun.

Halos kasabay rin nito ang pagpa-flashback ni Bea kung paano siya nagsimula sa ABS-CBN at kung paano, sa loob ng dalawang dekada ay nabago nito ang buhay niya at buhay nilang pamilya. Kasabay ang dasal.

Bukas, Monday na magbobotohan ang mga Kongresista at base sa kalalabasan ng boto ng mga ito malalaman kung muling iga-grant ng franchise ang network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.