Una sa Balita

Bagong bitak nakita sa Bulkang Taal

0 380

Isa na namang panibagong bitak sa lupa ang nakita sanhi ng patuloy na aktibidad ng Taal Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)

Sa inilabas ng pinakahuling bulletin, ilang bayan sa probinsya ng Batangas ang nakitaan ng panibagong ­‘steaming fissure’ sa northern slopes ng bulkan, maliban sa paglawak ng mga bitak sa lupa sa bayan ng Lemery, Agoncillo, Talisay, at San Nicolas.

Bukod sa mga lumilitaw na mga panibagong bitak sa hilagang dalisdis ng bulkan, patuloy rin ang pag-atras ng tubig sa baybayin sa palibot ng Taal Lake.

Samantala, aabot naman sa 65 volcanic earthquake ang naitala mula alas-5:00 nang umaga nito lamang magdamag, batay sa datos ng Philippine Seismic Network.

Umakyat na sa 634 ang kabuuang bilang ng mga volcanic earthquake na naitatala ng Philippine Seismic Network magmula nang magkaroon ng phreatic eruption ang Taal Volcano noong Linggo, Enero 12, 2020. Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More